Wednesday, August 29, 2012
I DoBiDooBiDoo: Wala Nang Hahanapin Pa
Bilang isang taong taga-production (at likas na laitera), ito ang aking mga natatanging puna sa I Dobidoobidoo:
Una, halata yung makeup ni Sam. Oo, gets namin, mahirap dapat siya at kung hindi siya paiitiman hindi niya magiging kamukha yung pamilya niya, pero sana dinamay niyo na rin pati leeg at braso diba? Pangalawa, off-sync yung audio sa video, medyo nakakadiskaril lalo na pag kumakanta sila. Pero ilang frames lang naman, at nang magtagal halos di ko na rin napansin (or baka nagkasabay na rin matapos ang ilang sequence).
Bukod rito, wala nang hahanapin pa...pwera sa kantang iyon, na hindi kasali sa repertoire. Pero malay natin, magka-part two, at magkaron ng pag-asa ang mga nais makarinig ng remake ng Prinsesa, Kumot at Unan at Yakap sa Dilim.
Sam does an exceptional job as Rock (I thought the siblings' names - Jazz and Raprap - were a cute touch, though I wonder how Tito Boboy feels about the dog being named after him), and Tippy shines in her film debut (laking gulat ko lang sa kissing scene, first movie palang may kissing scene na? Agad-agad?? PBB Teens??). They are believable as star-crossed young lovers as they harmonize Panalangin and Ewan. Gary V's rendition of Paano was particularly moving, and Zsa Zsa's Tuyo ng Damdamin strikes an all-too-familiar chord. Frenchie and Teacher Sweet are adorable friends with Awit ng Barkada, and Jaime Febregas rocks DoBidoo. But the scenes that take the cake are Neil Coleta's Kaibigan, which Chris Martinez presents with the most delicate delivery, cloaked in the most unassuming of ways; and, of course, the show-stopping Di Na Natuto with what is destined to be the most-talked about bed scene of the decade, performed by Eugene Domingo and Ogie Alcasid, wherein they strip down to their souls as they simultaneously strip down to their knickers.
All in all, the movie was very well-made, halatang pinag-isipan at hindi tinipid. Pinaglaanan ng panahon at pera. Nasa tamang konteksto ang bawat kanta, maayos ang pagkakaset-up at hindi lang basta-basta kumakanta ng walang dahilan. Simple lang ang kwento, pero makulay ang produksyon, at mataas ang production value. Mahusay ang mga areglo at maganda ang pagkakanta ng mga awitin.
Above all, masaya siyang panoorin. Definitely worth watching. Sana suportahan natin ang pelikulang ito. This film proves that Pinoys are capable of creating something of this calibre, it is a prime example of excellence in the form of entertainment. Kudos to the team behind it, my one regret is that I wasn't part of the prod team that did it. ;)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment