Friday, July 06, 2007

Tamad

Tinatamad ako ngayon. Tamad mag-isip. Tamad magsulat ng maayos. Tamad matulog. Tamad tumayo. Tamad lang. Tamad na tamad.

Pero ang daming pwedeng isipin. Ang daming kelangang isipin. Daming kelangan harapin. Daming kanegahan na ayaw pansinin kasi labag na sa relihiyon ko ngayon ang maging nega.

Nakakagulat at nakapagtataka, ang daming nagsabing galit daw ako. I never thought I projected anger. Not consciously anyway.

Mabuti pa nga siguro kung galit ako. Mas madali pa nga yun e. Pag galit ka, galit ka lang. Yun lang nakikita at nararamdaman mo. There isn't much room for anything else.

Kesa naman lumulutang ka sa kawalan. Di ka na nga present, powerless ka pa. Double dead ka na nun.

Pero siguro minsan mas gugustuhin mo nalang madeds kesa makaramdam ng kahit ano.

Ang nega diba? At ang bigat. Kaya ayoko tong ipost sa multiply e. Masisira image ko. Bwahahaha. Courage and creativity daw. Mapagpanggap. Mapagkunwari. Pakatotoo ka nga.

No comments: