talk about sporadic blogging. this is only my second entry for this calendar year. and to think it's already december. (!)
wala lang, nasa bahay lang ako pero parang wish ko nasa bar ako somewhere umiinom at nakikibonding sa mga kaibigan. or rather, nagpapaka-pasyente sa mga kaibigang willing maging therapist sa gabing ito. kaso may 11am meeting pa kami bukas, at pinapangarap ko pa sana makapag-workout before that, at late na rin nang na-feel kong gusto ko palang uminom.
so eto ako ngayon, natitiyaga sa dalawang strong ice at dalawang lucky strike that's available to me at the moment. at nakikinig nalang ng paulit-ulit sa "i'm yours" ni jason mraz na kanta ng kapatid ko sa bago at una niyang jowa.
isa lang pala ito sa mga kanta niya para sa kanya. maraming awit na alay yun sa kanyang love godess/muse. matagal niya na kasing iniirog yun, mga tatlong taon na. awa ng diyos, sila na. at feeling ko happy naman sila. sabi nga nila, good things come to those who wait. isa pa, patience is a virtue.
kaso when it comes to some things wala talaga akong patience. absent ata ako nung araw na namamahagi si God nun. kaya eto, nasa boys are stupid mode nanaman ako. indefinitely, and possibly irrevocably.
pero sana hindi naman. ayoko naman patotohanan yung iniisip ng ibang tao na napaka-jaded at cynical (redundant?) ko na at the tender age of 24. oo nga, sige, hindi na "tender" ang age na 24, pero still, who wants to be jaded? i'd rather think that i'm just being realistic. and amybe a little bit hard. strong ice ito. call it a defense mechanism. allow me at least that. been through my own share of shiyet to get here din, diba?
pano ba yan, ubos na ang yosi. isang lagok nalang at ubos na rin ang beer. patapos na rin ang pang-sampu (pito? walo? ewan) na ulit ng kanta na naka-loop sa windows media player. hanggang dito nalang ata ang soliloquy na ito.
pero ang pakikipagsapalaran sa malawak na telenobela ng buhay... wala pa sa kalingkingan ng inggo, kampanerang kuba, marina, maging sino ka man o pinoy dream academy.
wish me luck.
No comments:
Post a Comment